4 patay sa banggaan ng tricycle vs bus sa Ilagan City

iligan
PATAY ang apat na pasahero nang sumalpok ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Alibagu, Iligan City, kahapon, ayon sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na tinangka ng tricycle na mag-overtake sa isang kotse nang makabanggaan ang isang bus na nasa kabilang lane.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng bus na si Joseph Pasaraba, 50, ng Cagayan, at sinabing hindi na niya nagawang huminto para naiwasan ang tricycle.

Dahil sa lakas ng pagbangga, tumilapon pa mula sa tricycle ang isa sa mga nasawi.

Nagliyab naman ang tricycle matapos ang banggaan.

Read more...