Metro Manila, Rizal, Quezon nilindol

UMABOT sa Metro Manila at Rizal ang pagyanig na may lakas na magnitude 4.4 sa lalawigan ng Quezon Sabado ng  gabi.
     Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-7:14 ng gabi. Ang sentro nito ay siyam na kilometro sa silangan ng bayan ng Burdeos sa Quezon.
     Nagresulta ito sa pagyanig na may lakas na Intensity III sa Quezon City, at bayan ng Binangonan at Baras sa Rizal.
     Intensity II naman sa Malolos, Bulacan, Paranaque City, Antipolo City, at Guinayangan, Quezon.
     Intensity I naman sa Tagaytay City.
     Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Wala namang inaasahang aftershock at pinsala ang Phivolcs.

Read more...