SINORPRESA nina second seed Mark Kevin Labog at third seed Brena Mae Membrere ang mga kalaban upang tanghaling kampeon sa kani-kanilang dibisyon sa kasusulong na National Chess Championships 2016-Luzon Leg sa PSC National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Kumulekta ng solo 6.5 puntos sa posibleng 7.0 mula sa anim na panalo at isang tabla ang 19-anyos na si Labog upang maghari sa Open division at iuwi ang P6,000 cash prize at medalya sa 89-katao, tatlong araw na chessfest na basehan sa mga mag-qualify sa National Finals.
Ang torneo ang qualifier para sa taong ito para sa isasagawang Baku 42nd Chess Olympiad.
Binigo ni Labog sa unang tatlong round sina 48th seed Justine Diego Mordido, 30th seed Joseph Navarro at 17th seed Darry Bernardo. Nakihati ito sa puntos kay No. 12 Jhoemar Mendiogarin bago binigo muli sina No. 21 Ryan Christian Magtabog, 8th seed John Marvin Miciano at No. 28 Erickson Marimla.
Ikalawa si Mendiogarin na may 6.0 puntos. Gaya ni third placer 10th seed Jeth Romy Morado matapos maungusan ng una sa tiebreak. Ikaapat hanggang ika-10 sina Miciano (5.5), Magtabog (5.0), 30th seed Joseph Navarro (5.0), sixth seed Istraelito Rilloraza (5.0), third seed Rolly Parondo, Jr. (5.0), ninth seed Bryan Barcelon (5.0) at 16th seed na si Christian Nanola (5.0).
Nanalasa rin sa women’s ang 21-anyos na Ateneo de Manila University student na si Membrere sa anim na panalo at isang draw para masungkit ang katulad na premyo ni Labog bukod pa sa pagkuwalipika sa Finals.
Tinalo ni Membrere ang top seed na si Arvie Lozano sa ikalimang round, pati na sina 16th seed Lovely Iris Reyes (rd 1), 10th seed Marifedela Torre (rd 2), ninth seed Venice Vicente (rd 4), 11th seed Geraldino Guyo (rd 6) at 18th seed Josephine Berago sa huling round. Naka-draw sa kanya ang sixth seed na si Lucelle Bermundo (3rd rd).
Pumangalawa si Lozano sa 5.0 pts., ikatlo ang fourth seed na si JescaDocena (4.5) habang pang-apat hanggang pangsiyam na may kagayang puntos ni Docena sina Bermundo, Vicente, Dela Torre, Berago, second seed Kylen Joy Mordido at fifth seed Judith Pinda. Amg 10th placer na si Guyo ay mayroong apat na puntos.
Si National Chess Federation of the Philippines executive director Grandmaster Jayson Gonzales ang naggawad ng premyo sa top 10 winners.