MARIING itinanggi ni Annabelle Rama na nangako si presumptive President Rodrigo Duterte na bibigyan daw siya ng posisyon sa gobyerno.
“Ay hindi naman, dyusko. Kung gusto kong humingi ng position madali pero kaso nga wala akong alam. Wala akong experience,” ang sey ng talent manager sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa ng nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez, wala naman talaga sa plano niya ang magkaroon ng government position, “Ayoko naman na basta ka nalang magkaroon ka ng position na wala ka namang ginagawa. Eh di titirahin kapa diyan diba? Wala akong hiningi,” aniya pa.
Kamakailan ay kumalat ang litrato nina Annabelle at Digong sa social media at ang paniwala raw ng marami ay nag-meeting ang dalawa para sa pagbibigay nga ng government post sa talent manager.