Sigaw ng bashers ni Marian: mag-resign na sa mga show ng GMA

marian rivera

ASAR-TALO ang ilang fans ni Marian Something when one basher said it’s time for the feeling reyna of GMA 7 to resign from her shows.

Of late kasi, pawang flopey sa ratings ang Sunday show and morning show ni La Marian. When she returned to the Sunday show ay mas lalong bumaba ang rating nito, making the production staff worried.

Isa pa, hindi rin umabante ang rating ng kanyang morning show, parang kulang sa substance, wala itong ka-appeal appeal. It was lagging behind competition, pinakakain ito ng alikabok ng kalabang show sa Dos. Ang problema raw kasi sa show ni La Marianita, walang bigating guests, puro starletitas of the highest order ang mga bisita ng programa.

How can you beef up interest in the show kung ang mga guests ay pawang DA HU, right?
Anyway, todo-depensa naman ang dalawang social media friends ni La Marianita by saying na bakit ipapatsugi ang kanilang idol, eh, ito ang bida sa dalawang shows.

Oo nga naman. So, magdusa na lang ang Siyete sa mababang rating. Mas mabuti nang pagtrabahuhin nila si Marianita kaysa naman gawin nila itong frozen delight pero bayad naman. Guaranteed kasi ang contract ni Marianita, meaning, ke meron o wala siyang trabaho ay may bayad siya.

Read more...