NAPATUNAYAN namin ang mga sinasabi ng Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa mga bagong tourist attractions sa Lubao, Pampanga.
Ilang beses nang nagbakasyon si Kris kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby sa Lubao, partikular na sa Pradera Verde Wake Park na super favorite raw ni Bimby dahil sa wake boarding activities dito. Napanood din namin ang pagpunta roon ng Kris TV kung saan in-enjoy ng mag-iina ang iba’t ibang tourist spots sa Lubao kabilang na ang mga ipinagmamalaking pagkain doon.
Bukod sa wake park ng Pradera, dito rin idinaos ang nakaraang International Hot Air Balloon Festival na dinayo talaga ng mga local and foreign tourists, kabilang na riyan ang mga sikat na celebrities.
Sa imbitasyon nina Gov. Lilia Pineda at Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab sa aming grupo, ang SPEED
(Society of Philippine Entertainment Editors), talagang in-enjoy namin ang napakaganda at napakalawak ng Pradera Verde Wake Park.
Ipinagmalaki nina Gov. Lilia at Mayor Mylyn na talagang tumaas ang bilang ng mga turistang nagpupunta sa Lubao dahil sa nasabing wake park na patuloy pa ring pinagaganda ngayon para mas marami pa ang makapag-enjoy dito.
Bukod dito, nakapagbigay din ng maraming trabaho sa mga tagaroon ang nasabing wake park.
Sa ngayon, itinatayo na ang iba pang atraksiyon sa lugar kabilang na ang dalawang malalaking wave pool at mga pambatang pasilidad. Patok na patok ngayon ang lugar sa mga wakeboarder at golfer, sabi naman ni chef/CEO na si Paulo Nasol.
Kuwento pa ni Mayor Mylyn, “Dito nga sana gagawin ang ASAP before ng ABS-CBN, hindi lang natuloy kasi ang hanap nila ay ‘yung may swimming pool na ginagawa pa lang ngayon.”
Swak na swak ang lugar sa mga pamilya, barkada at mga empleyado na gustong magsagawa ng team building. Panalo rin ang kanilang mga packages para sa mga magre-rent ng mga duplex at villa na kumpleto na sa mga gamit, bukod pa iyan sa mga golf packages at wake park cable rates.
Sayang nga lang at hindi na namin inabutan ang kanilang Hot Air Baloon competition, pero sabi ni Mayor Mylyn, “Taon-taon na naming gagawin ang Hot Air Balloon contest dito. Open pa sa public ang lugar na ito pero kapag fully developed na tatanggap na kami ng members.”
Doon din pala ginanap ang isang triathlon competition na nilahukan ng napakaraming atleta. At in fairness, nag-enjoy din kami habang pinanonood ang nasabing sport competition. Kaya mula sa grupong SPEED, nagpapasalamat kami sa mag-inang Lilia at Mylyn, pati na rin kay Chef Paulo at sa staff ng Lubao Tourism council sa isang masaya at nakakabusog na bakasyon. Kaya para sa mga limited ang budget, hindi n’yo na kailangang pumunta ng CWC sa CamSur dahil sa bonggang-bonggang wake park ng Lubao na 2-hour drive lang mula sa Manila.
Kung mabibigyan kami ng pagkakataon, ise-share namin sa inyo ang mga lugar na napuntahan namin sa Lubao na talagang nakaka-wow sa Biyaheng Bandera! Para sa inquiries/reservation, maaaring mag-log on sa www.facebook.com/praderawakepark o tumawag sa 0917-4471214.