MARIA walang ginawa sa taping kundi magtatalak, laging galit

gerald maricelNagpiyesta raw ang staff nang matsugi sa serye ni Gerald

Talaga palang may attitude itong si Maricel Soriano.

May nakapagkuwento sa amin na taga-production na feeling big star pa rin ang maituturing nang beteranang aktres.

Pagdating kasi niya ay super chika siya sa mga tao roon.

Super sermon din siya at tila walang katapusan ang kanyang mga aria.

Puro panenermon daw ang inabot ng mga staff sa kanya.

Ang hindi niya alam, cause of delay na siya.

Matagal pa kasi siyang hinintay ng production para make-apan. Natatawa na lang daw ang mga tao roon sa inasal ni Marya.

Ang akala yata nito ay bidang-bida siya sa soap gayong support lang naman siya bilang nanay ni Gerald Anderson.

Tama ba ang hinala naming marami ang natuwa nang finally ay matsugi siya sa soap opera dahil ang feeling ng mga utaw ay hindi nila makakaya ang pagiging PRIMA DONNA ni Marya?

So, blessing in disguise pa pala ang nangyari?

Ang tanong, pagkatapos ng mga iskandalong kinasangkutan niya, may maging interesado pa kaya sa kanya?

Read more...