Dating kilalang singer walang ginawa kundi upakan ang nanalong kandidato

blind item female

PARANG napakaluwag ng oras ng isang dating kilalang singer dahil sa madalas niyang pagkokomento tungkol sa ating bayan. Parang hindi na siya natutulog sa kapo-post ng kanyang mga opinyon. May minanok nu’ng nakaraang eleksiyon ang female singer, pero sa malas ay olat, kaya panay-panay ngayon ang ginagawa niyang pang-uupak sa nakatalo sa kanyang kandidato.

Okey nang nakikisali siya sa mga debate, wala namang masama du’n, ang ipinagtataka lang ng marami ay kung bakit napakarami niyang naibibigay na oras sa kanyang mga pinaggagagawa ngayon. Tanong ng isang source, “Nakakaloka siya! Siya ang female version ng isang male singer-song writer na matinding oras din ang ibinibigay sa social media.

“Masyadong nega ang male singer na ‘yun, halatadong wala na kasi siyang career, kaya puro pangnenega sa mga politicians ang ginagawa niya! “Pati nga kasamahan nilang singers, e, nagtataka rin kung bakit sila masyadong nagpapakalulong sa pulitika. May plano ba silang tumakbo sa mga susunod na eleksiyon? Wala na bang kumukuha sa kanila, kaya ganyan ang pagka-busy nila sa social media?” napapailing na reaksiyon ng aming source.

Maraming naloloka sa female singer, tanda raw kaya ‘yun ng kawalan na niya ng mga bookings, kaya siya nagkakaganyan? “Ang mga kasabayan niya, e, tahimik lang, pero itong si ____ (pangalan ng female singer) sobrang talakera na! Maganda pa naman ang song na pinasikat niya nu’n, sa totoo lang!

“Maganda ang message ng song, puro love, pag-ibig, puro pagmamahalan ang tinutumbok, di ba? Naku, Bradly Guevarra, pangaralan mo ang female singer na ‘yan, ha? Sabihin mo sa kanya, te amo, watashiwa!” nakairap pang pagtatapos ng aming impormante.

Read more...