9-anyos kabilang sa mga ginagamot dahil sa HIV-AIDS sa Cagayan Valley

cagayan valley
KABILANG ang siyam-anyos na batang babae sa 55 katao na ginagamot dahil sa HIV-AIDS (human immunodeficiency virus-acquired immune deficiency syndrome) sa Cagayan Valley Medical Center.
Sinabi ni Dr. Susan Daran, HIV-AIDS Cagayan coordinator ng Department of Health (DOH) na nahawaan ang bata ng kanyang nanay na nasawi dahil sa AIDS.
Nakatakdang magsagawa ng candle-lighting ceremony sa Mayo 27 sa Tuguegarao City, Cagayan at Mayo 30 sa Santiago City, Isabela para bigyan-diin ang problema ng HIV-AIDS.
Idinagdag ni Daran na dapat paigtingin ng DOH nag kampanya kontra HIV-AIDS para maiwasan ang inaasahang pagtaas ng kaso nito ng 133,000 pasyente sa 2022.

Read more...