Coco Martin tuloy ang paglaban sa mga krimen

COCO MARTIN

                                                                                            COCO MARTIN

SAYANG at hindi namin napanood noong Miyerkules ang episode ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan nagkasagupaan sina Cardo (Coco Martin) at grupo ng nagtitinda ng baboy na lumusob sa bahay nina Lola Kap (Susan Roces).

Sa trailer na lang namin nakita na nagkabugbugan na ang grupo laban kay Cardo kung saan inabutan pa ni Onyok ng dos por dos ang tatay-tatayan niya para magamit nito sa pakikipaglaban.

Kahapon ng umaga na namin tinanong ang kasama namin kung anong nangyari at sinabing nakulong ang mga nagtitinda ng baboy at si Glen (Maja Salvador) ay may tama raw sa batok kaya galit na galit ang magulang nito na laging nadadamay kapag may gulo si Cardo.

Samantala, may bagong kasong hahawakan si Cardo, ang lumalalang ilegal na sugal na loteng sa kanilang komunidad. Sa kagustuhang mapag-aral si Mak-mak (McNeal Briguela) ay maeengganyo siya ni Elmo (Marvin Yap) na tumaya sa loteng maski na labag sa batas at walang kasiguraduhang ligtas.

Ano kaya ang gagawin ni Cardo pag nalaman niyang naging sangkot sa iligal na transaksyon si Elmo? Mahuli niya kaya ang lider ng loteng?

Abangan ang maiinit na kaganapan sa FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa ABS-CBN.

Read more...