Paano patinuin ang kapulisan

MAGANDANG balak ng papasok na Digong administration ang pagbibigay ng pamumuno sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Kaliwa.

Ang New People’s Army (NPA), ang armadong sangay ng Kaliwa, ay magaling na tagapagbantay ng mga kagubatan at kabundukan dahil nakatira sila sa mga lugar na ito.

Walang illegal logging at illegal mining kapag ang NPA na ang magbabantay.
Bagay sa kanila ang DENR.

Ang mga rebelde ay magaling na tapagtupad ng makatotohanang land reform dahil ang pinagmulan ng communist insurgency ay di makatarungang pamamahagi ng lupain.

Bagay din na hawakan nila ang DAR.

Magiging magaling na social workers ang mga Kaliwa dahil ang puso nila ay para sa mahihirap at inaapi na sektor ng lipunan.

Suwak ang Kaliwa sa gawain ng DSWD.

Pero huwag naman sanang ibigay ni Digong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga komunista dahil masisira ang ekonomiya ng bansa.

Kapag hinawakan ng mga komunista ang DOLE, maraming mga foreign investors ang magsisilisan sa bansa at yung may balak na papasok ng negosyo ay hindi na tutuloy.

Noong panahon ni Pangulong Cory, maraming kompanya ang nagsara matapos tinamaan ng welga, lockdowns at sit-downs dahil ang DOLE ay pinamunuan noon ni Bobbit Sanchez, na maka-kaliwa.
Dapat pag-isipan ni Pangulong Digong ang pagtalaga ng mga Kaliwa sa DOLE.

Si Digong ang kauna-unahang nahalal na Pangulo na magsosoli ng perang donasyon na natira sa kanyang pangangampanya.

Ito’y pagpapatunay na iba ang magiging pamamalakad ng administrasyon ni Pangulong Digong.

Kapani-paniwala naman ang ulat ng isosoli ni Digong ang sobrang campaign funds sa mga donors.

Saksi ang inyong lingkod sa hindi pagtanggap ni Digong noong kasagsagan ng kampanya ng pera sa mga donors na ayaw niya.

Namili si Digong kung kanino siya tatanggap.

Hindi tinanggap ni Digong ang perang galing sa mga donor na may kontrata sa gobyerno.

Tinanggihan ni Digong ang campaign contributions ng mga kawani sa gobyerno, gaya ng sa Bureau of Customs, na sadsad sa corruption.

Tinanggihan din ni Digong ang mga kontribusyon ng mga negosyante na nag-eempleyo ng contract workers o yung anim na buwan lang nagtatrabaho sa kompanya.

Ganoon si Digong.

Kung tototohanin ni Chief Supt. Ronald “Bato” dela Rosa na linisin ang hanay ng bulok na itlog sa Philippine National Police (PNP), one-third of the force would resign, get dismissed or disappear without a trace.

Si Dela Rosa ay hinirang ni Digong na magiging chief ng PNP.

Isa sa tatlong pulis ay kriminal, narumihan ng droga at walang ginagawa kundi magkamot ng kanilang mga bayag.

Pero ang binigay kong numero ay conservative lamang; ang rough estimate ay kalahati ng PNP ay mga abusado at ayaw magtrabaho.

Parang naniniwala ako na kalahati sa kapulisan sa PNP ay mga abusado, kriminal at tamad.

Bilang self-appointed ombudsman, na tumatanggap ng mga reklamo sa mga ordinaryong tao, alam ko ang pang-aabuso ng mga pulis sa mga ordinaryong mamamayan.

Kung ako si Dela Rosa, magtatatag ako ng isang super-secret group, gaya ng Davao Death Squad, na uutas o sa-salvage sa mga pulis na sukdulan ang kawalanghiyaan.

Titino ang hanay ng kapulisan kapag nagkagayon.

Noong kasagsagan ng pagsa-salvage ng mga abusadong kawani ng gobyerno, maraming pulis ang tumino.

Ang pagsa-salvage ay isinagawa ng Alex Boncayao Brigade o ABB ng New People’s Army.

Read more...