LDR sinisi sa pambabae | Bandera

LDR sinisi sa pambabae

Pher Mendoza - May 20, 2016 - 03:00 AM

DEAR Manang at tropa. Magandang gabi po. Ako po si Izza, 19 years old at mula sa Lapu lapu City, Cebu. Ako po ay may asawa na. Tapat naman po ako sa aming relasyon.

Lahat ginawa ko para sa aming dalawa kung bakit nakuha pa niyang mambabae. Kapag nag aaway po kami nadadamay pati mga bata.

LDR (long distance relationship) po kasi kami. Kasalanan ko pa raw kung bakit ng babae siya dahil wala na po raw akong oras sa kanya. May oras naman po ako sa kanya syempre may anak din kami.

Inaalagaan ko pa po ang mga anak namin. Manang, ano po ba ang dapat kong gawin? Naguguluhan na po ako, ang hirap na po kasing magtiwala sa tao na siyang dahilan kung bakit kami ganito ngayon.
Izza, Cebu

Hello Izza! Hindi naman acceptable na dahilan ang pagkakaroon ng long-distance relationship o LDR upang hindi maging tapat sa taong tunay nating minamahal.

Sa panahon ngayon, napakaraming paraan upang mag-work ang ganitong relasyon.

Ang bottomline, nasa tao ito at ang kanyang katapatan sa taong minamahal.

Simple lang Izza, may anak kayo at asawa ka niya. May pananagutan siya sa inyo bilang asawa at ama.

Kung nagkulang ka man sa oras para sa kanya ay hindi rin ito sapat para mambabae siya.

In the end, kaya mo ba s’yang patawarin at kalimutan ang nangyari kung sakaling humingi man siya ng tawad o sabihing magbabago s’ya? Would you trust him again? Think long-term and know that you don’t have to stay in a relationship that makes you less than happy
Payo ng tropa:.
Izza,

Napakahirap ng iyong sitwasyon, mahirap talagang malayo sa asawa, kaya nga nag wo-work ang asawa mo sa ibang lugar ay para dapat sa pamilya niya diba? Kaya nga dapat magtiis ang isa’t-isa na magkalayo.

Pero sa sitwasyon mo mukhang ikaw lang ang nagsasakripisyo dahil sa ginagawa ng asawa mo. May mga lalaki talagang mahiwalay lang saglit sa kanyang asawa ay nambabae na, pero sana iniisip naman niya ang kahihinatnan ng relas-yon niyo na maaaring masira.

Mas magandang sana umuwi na siya sa inyo at magsama kayo ulit, ayusin nyo kung maaayos nyo pa, mahirap ang broken family, ang magsasacrifice ay ang mga anak nyo.

Batang, bata ka pang nag-asawa neng, kaya sana maayos nyo, Good luck na lang sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending