Balimbing na kongresista problemado paano makakalipat kay Digong | Bandera

Balimbing na kongresista problemado paano makakalipat kay Digong

Den Macaranas - May 20, 2016 - 03:00 AM

NGAYONG “in” na naman ang balimbing, may isang miyembro ng Kamara ang nasa sentro ng atensyon ng kanyang mga kapwa kongresista.

Kilala kasi ang mambabatas na ito na mula sa isang lalawigan sa Eastern Visayas bilang hari ng mga balimbing o “political butterflies”.

Mula nang siya ay maging pulitiko ay otomatikong lumilipat siya sa partido ng mga namumuno sa gobyerno.

Noong uso pa ang Pork Barrel system ay isa itong si Cong sa mga kumubra ng malaking pondo pero wala namang ipinagbago ang kanyang distrito.

Mahirap pa rin ang kanyang mga kababayan.

Ang kanilang lalawigan ay kabilang pa rin sa pinakamahirap sa bansa.

Kabilang itong mambabatas na bida sa ating kwento sa mga iniimbestigahan ng Commission in Audit dahil sa hindi makitang mga proyekto na pinaglaanan ng malaking pera ng gobyerno.

Dahil marunong sa galaw sa loob ng bureaucracy kaya laging nakakalusot itong si Cong.

Simple lang ang kanyang formula, dapat ay maging kakampi niya kung sinuman ang nakaupo sa trono doon sa Malakanyang.

Pero ngayon ay tila mahihirapan na pumosisyon si Cong dahil markado siya ng kampo ni incoming President Rody Duterte.

Ito ngayon ang kanyang pinoproblema kaya hindi pa siya makapagpalit ng kulay at hanggang ngayong ay yellow pa rin ang kanyang iwinawagayway.

Sinabi ng ating Cricket na naghahanap daw ng matinding padrino itong si Cong para makalapit sa kampo ni Digong.

Talagang desperado si Cong kaya pati mga kaibigan sa media ay kanyang gigugulo na tulungan siya na mapalapit sa susunod na pangulo ng bansa.

Ang dakilang balimbing sa ating kwento ngayong araw na ito ay si Mr. B….as in Big time na Balimbing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento at tanong mag-text sa 09178052374 o kaya ay mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending