Vin Abrenica nilayasan ang TV5, tuluyan nang lumipat sa ABS-CBN

VIN ABRENICA

VIN ABRENICA

VIN Abrenica, Aljur Abrenica’s younger brother is now a Kapamilya.

Matapos ang five years yata sa TV5 ay nakalipat din si Vin sa Dos. Maganda naman yata ang ginawa niyang pagpapaalam sa network na nagbigay sa kanya ng chance na maging artista.

Anyway, kinakantiyawan tuloy si Aljur sa social media. Ang say ng mga netizen, nauna pa raw maging Kapamilya si Vin kaysa sa kanya. Nauna kasing natsismis na lilipat na noon si Aljur sa Dos kaya lang ay naudlot ito.

Naloka ang Siyete sa chika lalo pa’t umapela si Aljur na tapusin na ang kanyang kontrata sa GMA.

Ayun, ilang taon din siyang nawalan ng project at ngayon lang yata nagka-soap.

Anyway, welcome na welcome naman pala si Vin sa Dos. Maging ang netizens ay walang talak sa kanyang paglipat.

“Very good decision vin!!!”

“Mas lalong mahahasa ang talent mo dyan kasi iba ang talent ng ABS CBN…pang world class!!!”

“Mas gwapo itong utol niya kesa sa kuya… #RealTalk.”

“Goodluck Vin galingan mo lng madami magaling sa kapamilya…kya nga nila kw pa ba. Isa ka nang ganap na aktor!”

Ilan lang ‘yan sa nabasa naming reaction ng social media people sa paglipat ni Vin sa Dos.

Read more...