WE feel that Cesar Montano’s recent statement na magpapadala siya ng cake at lobo kapag nagkaroon na ng boyfriend ang ex-wife niyang si Sunshine Cruz lacks sincerity.
Parang buka lang ng bibig ni Cesar ang dayalog niyang iyon in a recent interview.
“Magpapadala ako ng cake kaagad at saka lobo. Ano, meron na ba? Magpapadala na ako ng cake at saka lobo. Hindi na pinagtatagal ‘yan. Ano ba, hindi puwedeng ako lang ang happy,” dayalog niya.
Parang ang feeling namin ay hindi pa rin naman nakaka-move on itong si Cesar kay Sunshine, mahal na mahal pa rin niya ito.
Obvious naman kasi sa tagal-tagal na magkahiwalay sila ay wala naman siyang seryosong relasyon sa ibang mga babae. Ang lahat ng naugnay sa kanya in the past ay parang fling lang, walang naging serious relationship.