THE long wait is over.
After almost a year ay maipapalabas na finally ang pinakaaabangang gay-themed movie na “Pare, Mahal Mo Raw Ako” written and directed by Joven Tan na hango sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 entry of the same title interpreted Michael Pangilinan na siya ring bida sa movie with gay best-friend played by very good actor Edgar Allan Guzman.
“Thank God at maipapalabas na finally sa big screen ang napakasayang pelikula naming ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Minsan na nga lang tayo nakakaarte sa screen, akala ko mauunsiyami pa. Ha-hahaha!
“Dito ko pa naman ibinuhosang konting nalalaman ko sa pag-arte ‘tapos natagalan pa bago maipalabas sa mga sinehan.
“Pero ngayon, puwede na nating i-announce that we got the June 8 playdate na – and that’s final!” ani Michael who, like his gay-best friend in the movie na si Edgar Allan, also landed as finalist in the Your Face Sounds Familiar. Alam n’yo ba nagdalawang-isip si Michael na tanggapin ang movie project na ito pero nang ikuwento ko na sa kanya with direk Joven ang tema, napaoo na rin siya.
“Nu’ng una, parang hesitant akong umarte kasi nga singer lang naman talaga ako. Pero nang ikuwento sa akin nina Direk Joven ang buod ng istorya, I told myself to give it a try. After all, minsan lang naman mangyayari ito.
“And in fairness, hindi ako masyadong nahirapan dahil inalalayan ako ni EA (palayaw ni Edgar Allan) sa maraming scenes. Sa kaniya ako nanghingi ng acting tips. Galing niya – grabe! At maganda ang kinalabasan ng pelikula – walang tapon ang mga eksena,” ani Michael.
“I enjoyed working with Michael. Nakaka-in love kasi ang role ko – isang gay best-friend na na-in love sa character niya sa movie. Maraming makaka-relate dito dahil it happens to the best of us.
Nakakatawa, nakakaiyak, nakakakilig, lahat-lahat na. Sana suportahan nila ang launching movie ni Michael, he’s a revelation dito,” ani Edgar Allan who was not just fine in this movie but award-winning talaga ang acting.
“After many years of doing films, isa ito sa pinakamahalagang projects ko. I’ve put in almost everything that I know – everything that I have dahil co-producer din ako ng movie. Hindi nasayang ang effort namin Punumpuno ng puso ang pelikula and I must say na perfect ang cast namin,” ani direk Joven.
Kasama rin dito sina Ms. Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell and Ms. Nora Aunor in a very special role. Finally ay maipapalabas na ito sa June 8 through Viva Films. “Matutuwa ang makakapanood ng movie na ito – simpleng maganda at may puso. You will fall in love sa bawat character,” pagmamalaki pa ni direk Joven na napakasarap katrabaho – a cool director.
Kasama ni Direk Joven Tan sa pag-produce ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ang inyong lingkod, Fred Sibug, Carlos Sario, Jr. and Capt. Ernie Moya. For sure, the LGBT family will love their baby Michael here. They will be very proud of him because of how he showed respect to the gays in this movie.
“Michael Pangilinan is truly an ambassador of the LGBT community because he supports the fight for equal rights through his song and this movie. Hindi siya takot manindigan kahit straight pa siya at mahal na mahal niya ang LGBT,” says Ms. Bems Benedito, Chairperson ng Ang Ladlad LGBT Party.
“Kaya ang maibabalik namin sa walang sawang suporta niya sa amin ay ang pagsuporta rin sa pelikula nila ni Edgar Allan. Sisiguraduhin naming ang LGBT community ay pipila at manonood nito, dahil naniniwala rin kami sa proyekto,” Ms. Bems added.
Kaya guys, abangan ang pagdagundong ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” sa lahat ng sinehan nationwide this coming June 8 – released by Viva Films!!! Huwag kayong mag-alala dahil sinisiguro namin na hindi kayo manghihinayang sa ibabayad n’yo sa sinehan.
Anyway, bukod sa pelikulang ito, malapit na ring i-release ang susunod na album ni Michael under Star Music. Grabe rin ang inilaang oras at energy ng anak natin sa album niyang ito kaya sana suportahan din ng kanyang mga fans.