Sulat mula kay Roselyn ng Bangkal, Sapian, Capiz
Problema:
1. Simple lang naman ang problema ko kaya lang ay natatakot ako na baka mamali ako ng pasya. Ganito kasi iyon. Sa kasalukuyan ay may dalawa akong boyfriend na pareho kong mahal. Gusto ko lang malaman kung sino sa dalawang boyfriend kong ito ang mas ka-compatible ko at dapat kong piliin kapag ako ay nag-asawa na, upang magkaroon kami ng isang masagana at maligayang pamilya.
2. Ang una kong BF ay tawagin na lang nating Mr. Aquarius na isinilang noong February 13, 1992 at ang ikalawa naman po ay si Mr. Taurus na isinilang noong May 5, 1991. September 18, 1992 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Roselyn ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sino sa dalawang boyfriend mo ang isinilang sa zodiac sign na Taurus na may birth date na May 5, 1991 ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 18 at 5 naman si Mr. J. ay nagsasabing sadyang tugma at compatible talaga kayo sa isat-isa at sa sandaling nagkatuluyan ay may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabang buhay na samahan.
Physiognomy:
Ang katawan mong medyo chubby o mataba ay nagsasabing isang lalaking medyo payat hanggang sa balingkinitan ang pangangatawan ang inyong mapapangasawa. Kung ganyan ang body physique ni Mr. Taurus, tiyak ang magaganap, siya na nga ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabangbuhay na pamilya.
Huling payo at Paalala:
Roselyn, dapat ngayon pa lang mamili ka na sa dalawa mong boyfriend dahil kapag pinagtagal mo pa ang pagpili ay lalo ka lang mahihirapan. Piliin mo si Mr. Taurus na may birthday na May 5, 1991 sapagkat, ayon sa iyong kapalaran, kapag siya ang mapapangasawa mo ay tiyak na ang magaganap —may pangako ng isang masagana, napakaligaya at panghabangbuhay ng pag-papamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.