Kilalang aktres, mga anak inirereklamo ng mga kapitbahay, nakakabulahaw ang ingay

BLIND ITEM FEMALE 0429

IRITANG-IRITA ang non-showbiz friend namin sa kilalang aktres dahil ang ingay-ingay daw ng mga anak nito kasama ang mga kaibigan sa pag-aari nilang condo unit sa Quezon City.

Sa isang sosyal na event ay narinig naming pinag-uusapan ang kilalang aktres dahil sa isyung kinasangkutan nito kamakailan at sa pagiging die-hard fan nito sa isang kandidato noong nakaraang eleksiyon.

Kuwento ng non-showbiz friend namin, “We have the same condominium building at ang ingay-ingay nila, mga anak niya kasama ang mga kaibigan, laging may party. Ginawa kasing function hall ‘yung unit nila. I don’t know with the other unit owners kung anong plano nila, alam ko nag-reklamo na sila.”

Hindi naman imposible ang kuwento ng aming friend dahil halos ganito rin ang kuwento ng mga guwardiya sa nasabing building, parati raw maraming bisita ang kilalang aktres kasama na ang mga anak nito.

Mukhang malakas yata ang kilalang aktres sa property management ng building kaya siguro hinahayaan silang mag-ingay at laging magpa-party.

“E, lalo na ngayon, nanalo ang kandidato niya, baka mas lumala pa!” hirit naman ng isa pang non-showbiz friend namin.

Read more...