Ayaw lang daw ni Xian na maging public pa ang kanilang relasyon kaya naman he’s keeping their relationship to themselves.
Sa isang reporter daw inamin ni Xian na magsyota na sila ni Kim.
Actually, matagal nang natsitsismis na magdyowa na ang dalawa.
Pero sa mga interviews nila ay hindi nila inaaming sila na nga.
Puro pagdedenay ang ginagawa nila.
Pero totoo nga kaya ito? Hindi kaya ilusyon lang ni Xian ang lahat?
May nagsabi rin kasi sa amin na hindi naman talaga type ni Kim si Xian kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot ang binata.
Kung totoo nga na magdyowa na ang dalawang bida sa seryeng Ina Kapatid Anak, who are we to disagree?
Sana lang, wag na nilang niloloko ang mga tao sa pagdedenay nila, kung sila na nga then aminin na, for all you know, mas maging hot item sila kapag naging open na sila sa kanilang relationship.