Gladys saludo kina Alden at Maine: Grabe sila!

gladys guevarra at aldub

MASAYANG-masaya ngayon si Gladys Guevarra dahil bukod sa muling nabuhay ang kanyang career ay going strong pa rin ang relasyon nila ng kanyang bagong boyfriend.

Nakachika ng entertainment press ang komedyana sa presscon ng bagong comedy show ng GMA 7, ang Laff Camera Action! na magsisimula na sa darating na May 28 kapalit ng CelebriTV tuwing Sabado ng hapon, at kitang-kita namin kung gaano kasaya ang aura niya ngayon.

Ayon kay Gladys, wala na siyang masyadong inaalala ngayon, masaya siya sa kanyang showbiz career at mas lalong happy ang kanyang personal life. Feeling niya, pagkatapos ng mga pinagdaanan niya sa buhay nitong mga nakaraang taon, niregaluhan siya ng Diyos ng peace of mind at true happiness.

Kung matatandaan, ilang taon ding nawala sa bansa ang komedyana, mas ginusto niyang mag-stay muna sa Amerika. Pero nang bumalik siya sa Pilipinas, bigla niyang naisip na nandito talaga ang kanyang puso.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘Di ko ‘to career. This is going to be my bread and butter and that’s it. Tsaka okay na naman ang kabuhayan ko, nakapagtabi naman ako, so I have enough. I don’t care anymore. Ang importante ngayon masaya ako. May perang nakatabi may negosyong tumatakbo,” pahayag ni Gladys.

Natanong din ang komedyana sa presscon ng Laugh Camera Action! kung ano ang masasabi niya sa kasikatan ni Alden Richards na nakakasama naman niya tuwign Linggo sa Sunday PinaSaya, pati na rin kay Maine Mendoza.

Sey ni Gladys, saludo siya sa sipag at tiyaga ng magka-loveteam, dahil kahit daw sunud-sunod ang proyekto ng mga ito ay nananatili pa rin silang mapagkumbaba at professional sa trabaho.

“Mabait sina Alden at Maine kasi grabe, kung iisipin mo, yung ginagawa nilang pagod, at the end of the day, uupo pa sila sa tabi mo, mag-i-smile yung sila, tapos chichika. Sabi ko ang babait ng mga batang ‘to. Kung ako ‘yan, tantrums na ako,” natatawang sey pa ni Gladys.

May nagtanong din sa kanya kung may balak pa siyang bumalik sa Eat Bulaga kung may chance, “Feeling ko naman nu’ng time ng kaputukan ko sa Eat Bulaga na Chuchay (ang pinasikat niyang karakter sa EB) somehow, maingay ako, yung ‘di kumaya. Kaya, a, ayoko ‘to, ‘di ko kaya ‘to.”

Samantala, isa nga si Gladys sa magiging judges sa bagong reality comedy show ng GMA na Laugh Camera Action! along with Sef Cadayona and direk Caesar Cosme. Sina Betong Sumaya at Sheena Halili ang magiging host nito na magsisimula na nga sa May 28 sa direksiyon nina Phillip Lazaro at Noel Cabacungan.

Ang Laugh Camera Action ay isang improvisational program kung saan dalawang grupo ng performers ang maglalaban-laban at masusubukan ng galing sa pagpapatawa sa pamamagitan ng on-the-spot scenario. Hindi alam ng mga contestants kung ano ang ipagagawa sa kanila kaya wala itong practice-practice kaya talagang magiging dibdiban ang showdown.

Read more...