Female celebrity na malas sa lalaki wala nang ginawa kundi ipagyabang ang kasal

BLIND ITEM FEMALE 0422
BUMIDA sa isang umpukan ang isang female personality na panay-panay ang press release tungkol sa kanyang lovelife. Halos wala nang itinatago ang girl tungkol sa kuwento ng kanyang buhay, lahat na lang ay ibinabahagi niya sa publiko. OA na ang tingin ng marami sa mga ginagawa niya.

Palagi namang ganu’n ang sexy female personality kapag masyado siyang lulong sa pag-ibig. Puro ‘yun ang paksa niya sa social media, lahat na lang ay ikinukuwento niya, kaya parang nanghihinawa na sa sinasabi niya ang marami.

Kuwento ng aming source, “Dati na siyang ganyan, palagi niyang ipinagbubuyangyangan in public ang lovelife niya. Hindi siya naniniwala na kahit paano, e, kailangan ding nag-iiwan ang mga artista para sa kanilang sarili lang.

“Wala siyang pakialam sa ganu’n, hindi rin siya nakikinig sa payo ng mga kaibigan niyang nagmamalasakit lang naman sa kanya. Kung ano ang gusto niyang gawin at sabihin, go lang siya nang go!” napapailing na kuwento ng a-ming impormante.

Madalas na napapahiya ang female personality dahil hindi naman nagtatagal ang pakikipagrelasyon niya. Press release lang siya nang press release pero bokya naman siya sa bandang huli.

“Di ba, nu’ng sila pa ng isang foreigner, ganyan din naman siya? Puro press release siya na magpapakasal na sila, na kesyo sa ibang bansa kuno siya pakakasalan nu’ng fo-reigner, pero ano ang na-ging ending ng kuwento?

“Nawala na lang bigla ang guy, bumalik na sa bansa nila, ganu’n-ganu’n lang ang kuwento sa kabila ng sinasabi niya nu’n na may mga wedding plans na sila. “Naku, ‘no! Dumudugo na ang ilong ko sa pakikinig at pagbabasa sa mga istorya niya. Bradly Guevarra, paki-explain mo nga ‘yan!” pagtatapos ng aming source.

Read more...