NATANONG si Papa Piolo kung may one night stand experience na rin siya sa totoong buhay? “Grabe naman yung pagkadirekta ng tanong. Ha-hahaha. Parang hindi ko siya madidirektang sagutin, eh. Ayoko magpakasanto pero ayaw ko na lang sagutin.”
Pero para kay Piolo normal na ba ang mga ganitong senaryo sa generation ngayon, lalo na’t may binata na rin siyang anak.
“I don’t want to say it’s normal, I mean if you love yourself it’s not about religion it’s about preserving yourself for someone, someone who deserves it. So parang hindi naman kailangan, eh. If it’s the norm, you don’t have to follow it. Nasasayo naman yan eh kung hanggang saan mo irerespeto yung sarili mo hanggang saan mo kayang ibigay. So kanya kanya yan,” sagot ni Papa P.
Paano niya pinapayuhan si Iñigo tungkol sa sex? “Lalake yung anak ko, so sa akin I as much as possible I tell him to go out. Meet people. You have to know eh.”
Pinagpapadala rin ba niya ng condom ang bagets? “Hindi naman ako nagdadala ng condom ba’t naman kailangan…hindi. I don’t think he’ll go that far. Wag na tayong pumunta du’n. Ha-hahaha. Mapupusok…tusukin ko siya! Pag nagloko siya sapakin ko!” tawa nang tawa pang sey ni Piolo.
Hirit pa ni PJ, “Saka lalaki naman yan eh mari-realize niya yung tama at mali on his own. You’re only there to guide them.”
MOST READ
LATEST STORIES