Dingdong, Angelica, Paulo mapapalaban sa hubaran

dingdong paulo at angge

MULING magtatambal sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban sa bagong pelikula ng Star Cinema after three years. Huling napanood ang dalawa sa “One More Try” with Angel Locsin, and Zanjoe Marudo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ang magiging title ng movie ay “The Unmarried Wife” na ididirek ni Maryo J. delos Reyes sa panulat ni Keiko Aquino. Makakasama rin dito si Paulo Avelino. “Very excited to come back and to work again with Star Cinema,” ani Dingdong pagkatapos ng ginanap na story conference para sa nasabing project.

Ito rin ang magsisilbing comeback movie ni Dingdong sa Star Cinema, bukod sa “One More Try,” nagtambal din sila noon ni Bea Alonzo sa “She’s The One” (2013). Ayon sa scriptwriter na si Keiko, siguradong maku-curious ang mga manonood kung bakit “unmarried wife” ang magiging role ni Angelica sa pelikula.

“So it’s about a wife who is torn between her choi-ces—between two men. Her husband and her lover. But it’s not your typical love triangle who is the husband and who is the lover. And kung bakit ‘unmarried wife’ rin siya and ‘yun ang kailangan rin natin malaman,” aniya sa panayam ng ABS-CBN. Siniguro naman ni direk Maryo J na magkakaroon ng love scenes ang mga bida ng pelikula.

“It is a new look into the characters played by the three protagonists and kung papano sila nag-i-interact. Of course there will be love scenes it’s part of the psyche of a woman, kasama ang eros doon so nag-e-express sila ng love through doon through physical enjoyment,” ani direk. Sey naman nina Dingdong at Paulo, secret muna kung sino ang gaganap na lover at legal husband sa kuwento ng “The Unmarried Wife”.

Read more...