Juan Happy Love Story sexy at naughty pero hindi bastos

dennis trillo at heart evangelista

HAVEY na havey panoorin ang bagong programa ng GMA sa primetime, ang Juan Happy Love Story starring Heart Evangelista and Dennis Trillo.

Pilot episode pa lang ay punumpuno na ng mga nakakaaliw na eksena kaya naman siguradong mapapatutok ka talaga gabi-gabi sa kuwento nina Happy (Heart) at Juan (Dennis). Naughty ang mga eksena at dialogues ng mga pangunahing karakter pero hindi offensive.

Kaya naman hindi rin kataka-taka na naging top trending topic ang nasabing programa sa micro-blogging site na Twitter at pumalo rin ito sa TV ra-tings.

“Pilot episode pa lang namin punong-puno na. So hindi talaga nila dapat ma-miss ang bawat episode.

It’s a show na full of fun, kilig and naughty surpri-ses,” ayon pa kay Heart na walang kaarte-arte sa mga ipinagagawa sa kanya sa serye kaya natural na natural ang kanyang mga eksena.

Read more...