Estrada sinabihan si Lim na nananaginip matapos maghain ng poll protest

JOSEPH ESTRADA

JOSEPH ESTRADA


RUMESBAK si Manila Mayor Joseph Estrada kay dating mayor Alfredo Lim matapos maghain ng election protest laban sa kanya.
“He must be dreaming. Ganyan ang natatalo e, kung ano-ano ang sinasabi, ayaw aminin ang pagkatalo,” sabi ni Estrada.
Idinagdag ni Estrada na malaya si Lim na maghain ng protesta, kasabay ng pagsasabing handa niyang harapin ang “walang batayang akusasyon.”

“It’s most welcome. I’ve never cheated my whole life as far as election is concerned,” dagdag ni Estrada.
Iginiit naman ni Estrada na malinis ang kanyang kunsiyensiya at wala siyang dapat ikatakot.
“I can’t stop him. He should feel free to accuse me of anything and file it in court. I’m willing to face all the cases there,” ayon pa kay Estrada.
Idinagdag ni Estrada na ang importante ay siya ang nanalo.
“Basta ang importante nanalo ako. There’s no substitute for victory whether it’s a big margin (or not),” sabi pa ni Estrada.
Nanalo si Estrada matapos lumamang ng 2,600 boto kay Lim.

Read more...