Kaye Abad na-shock, naiyak sa proposal ni Paul Jake

NA-SHOCK at naiyak si Kaye Abad nang biglang lumuhod sa kanya ang boyfriend na si Paul Jake Castillo, naglabas ng singsing at tinanong kung payag na siyang magpakasal.
Yes, engaged na sina Kaye at Paul Jake matapos ang mahigit dalawang taon ng pagiging magdyowa. Naganap ang pagpo-propose ng dating Pinoy Big Brother housemate sa Bellevue Hotel sa Filinvest, Alabang kagabi.
Sa mga naglabasang litrato sa Instagram at sa video na kuha ng komedyanteng si Pooh, kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni Kaye nang yayain na siya ng kanyang boyfriend na magpakasal.
May ipinost namang picture ang kaibigan ni Kaye na si Nikki Valdez sa kanyang Instagram account kung saan makikita si Paul Jake na nakaluhod hawak ang engagement ring na ibinigay niya sa kanyang mapapangasawa.
Bukod sa mga kaibigan in and out of showbiz, present din sa nasabing proposal ang respective families ng magdyowa.
Sa huling panayam kay Kaye, sinabi nitong mas gusto nila ni Paul ang intimate wedding. Sey pa ng Kapamilya actress, “Nu’ng bata ako, gusto ko sana sa church and simple lang talaga. Kahit ‘yung gown, gusto ko simple lang.”

Read more...