LILIPAD na sa Biyernes papuntang Fujian, China ang apat kataong delegasyon ng Pilipinas sa weightlifting upang magsanay bilang paghahanda para sa 2016 Rio Olympics.
Sina Hidilyn Diaz at Nestor Colonia ay nakatakdang lumaban sa Rio Olympics at makakasama nila sa China sina Philippine Olympic Committee (POC) cluster head Romeo Magat at Philippine Weightlifting Association (PWA) coach na si Alfonso Aldete.
“They (Diaz at Colonia) will be training there for the next two months, or up to the last two weeks before the Rio Olympics before going directly sa Rio De Janiero,” sabi ni Magat.
Hinihintay na lamang ni Magat ang opisyal na kumpirmasyon na kuwalipikado sa Rio sina Colonia at Diaz na sasabak sa kanyang ikatlong sunod na Olimpiada.
“We can’t confirm it yet although they mentioned na mayroon nang mga country quota o delegate. We are still waiting for the official confirmation from their international federations which will be on June 20,” sabi ni Magat. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.