Dawn sa bastos na bashers: Hindi ako martir, lalaban ako kung kailangan!

dawn zulueta

HINDI papayagan ni Dawn Zulueta na lapastanganin at bastusin siya ng mga bashers sa social media nang dahil sa kanyang prinsipyo at mga pinaniniwalaan sa buhay.

Talagang sinasagot ng Kapamilya actress ang mga netizen na kung makapanlait at maka-comment sa kanyang mga post sa Instagram at Twitter ay wagas na wagas sa kanegahan.

Ayon kay Dawn grabe ang inaabot niyang pamba-bash mula nang mabalita ang pagsuporta niya kay vice-presidential candidate Sen. Bongbong Marcos. Talagang kaliwa’t kanang pambabastos ang natikman niya sa mga haters ni Bongbong.

Nu’ng nakaraang Linggo, hindi na nakapagpigil ang aktres at talagang niresbakan ang isa niyang follower sa IG na kung anu-ano nang malilisyosong mensahe ang ipino-post.  Sey ni Dawn, “With all due respect @nomad1736, your opinion is respected. But HATE isn’t welcome in this shop.

“If you do not agree with choices that run contrary to yours, you’re more than welcome to unfollow,” dagdag pa niya. Nasundan pa ito ng, “Yung mga arogante kung maka comment tapos pag call out mo, biglang may paawa epek? Haha, ano, bipolar lang? Ang humirit pa: affected?”

Sa presscon ng latest movie ni Dawn, ang “Love Me Tomorrow” ng Star Cinema kamakalawa ng gabi sa Le Reve Events Place, Q.C. muli siyang nagsalita laban sa mga abusadong netizens. Aniya, tao lang din sila na naaapektuhan at nasasaktan. “Don’t expect because we’re celebrities wala kaming feelings, we don’t have a mind of our own.

“I feel kasi, siguro minsan, nagsasalita nang diretso yung mga tao kasi akala nila i-ignore lang namin sila,” ani Dawn kasabay ng pagsasabing marunong din siyang lumaban at manindigan kung kinakailangan. “Merong ini-ignore (na mga bashers) , merong mga dapat hindi i-ignore. Yun ang feeling ko. Hindi kami martir. Lalo na ako, hindi ako martir.

“Sometimes, I feel they have to be put them on their place, hindi pwedeng lagi mo na lang silang ito-tolerate sa mga ginagawa nila,” hirit pa ng forever young na misis ng politikong si Anton Lagdameo.

Read more...