Piolo na-shock sa ginawa ni Dawn sa ‘Love Me Tomorrow’

piolo pascual at dawn zulueta

SPEAKING of “Love Me Tomorrow”, talagang kinarir daw ni Dawn ang pagpapaganda ng katawan dahil ayaw niyang madehado sa mga co-stars niyang sina Piolo Pascual Coleen Garcia na talaga namang nagsusumigaw ang kaseksihan.

“Kaya exercise ako nang exercise, para masabayan ito, e. Kailangan. Medyo dehado tayo sa age,” ani Dawn. Shocked nga raw si Piolo dahil game na game ang kanyang leading lady sa mga senaitibong eksena.

But more than the intimate and daring scenes sa movie, mas ipagmamalaki nila ang kuwento nito, “I hope pag pinanuod nila yung pelikula, mas masarapan pa sila sa pinapanuod nila, because yung mismong istorya talaga is really fun, so heartwarming.”

Hindi nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang role na cougar at lover ni Piolo sa movie, “Not at all. I thought it was an exciting project. Tsaka matagal ko na talagang gustong makatrabaho si PJ. Dream ko talaga iyan.

“Ang request ko lang sa project na ito, ayoko ng drama. I wanted to do something lighter para naman I can also explore my other facilities as an actress. And yes, I’m gonna do something daring here, you have to watch for it. But I’m not saying what,” chika pa ni Dawn.

Sa kuwento, Piolo will play a happy-go-lucky DJ who will find meaning in life nang makilala niya si ang karakter ni Dawn, isang fashion designer na di hamak na mas matanda sa kanya. Pero mas magiging magulo ang sitwasyon sa pag-eksena ng isang young socialite played by Coleen.

Tiyak na marami rin ang makaka-relate sa kuwento ng “Love Me Tomorrow” lalo na yung may mga lover na mas matanda o mas bata sa kanila.

Bukod kina Dawn, Piolo and Coleen, ka-join din sa “Love Me Tomorrow” sina Carmi Martin, Maxene Magalona, Zeus Collins at marami pang iba, sa direksiyon ng batambatang si Gino Santos at sa panulat nina Jeff Stelton at G3 San Diego. Showing na ito nationwide sa May 25 produced by Star Cinema.

Read more...