Wansapanataym nina JC at Jessy patok na patok sa mga bata

jessy mendiola and jc de vera

PATULOY na tinututukan at inaabangan ang muling pagbida sa telebisiyon ng tambalan nina Jessy Mendiola at JC de Vera kaya naman patuloy rin ang pangunguna sa ratings ng kanilang pinagbibidahang palabas na Wansapanataym Presents: Just Got Laki noong Linggo (May 15).

Ang episode kung saan nagkakilala ang karakter nina Jessy at JC ay mas tinutukan ng mga manonood sa buong bansa at umani ng national TV rating na 28.5%, kumpara sa katapat nitong palabas na Ismol Family na nakakuha lamang ng 17.6%, base sa datos ng Kantar Media.

At sa pagpapatuloy ng kwento, matapos maging viral ang ginawang video nina Maki (JC), Jimboy (Nico Manalo), at Paw-paw (Nicco Antonio) ay hahanapin sila ni Ysabel (Jessy) upang maging endorser ng kanilang candy shop.

Ngunit isang malaking problema ang haharapin nina Maki dahil ubos na ang magic candy na nagpapatanda sa kanila. Ano kaya ang gagawin ng magbabarkada upang tumanda at maipagpatuloy ang kanilang pagsikat? Mahanap kaya sila ni Ysabel? Mabunyag na kaya ang kanilang sikreto?

Huwag palampasin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Just Got Laki ngayong Linggo sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...