Naughty-serye nina Heart at Dennis pampa-good vibes

dennis trillo at heart evanegelista

IN fairness, magaganda ang nabasa naming mga komento at social media posts sa bagong GMA Telebabad series na Juan Happy Love Story nina Dennis Trillo at Heart Evangelista.

Marami ang nagsabi na may magic pa rin ang tambalan ng dalawa na huli ngang napanood sa primetime series ng Kapuso network na Dwarfina. Sey nga ng isang follower ni Heart sa Instagram, “Ang ganda-ganda ni Heart, and first time ko siyang napanood na nagko-comedy. Bagay na bagay sila ni Dennis, ang sarap nilang panoorin, nakaka-good vibes lang!”

Sabi naman isa, “Ganyang mga klase ng teleserye ang gusto naming mapanood. Feel good lang, walang masyadong drama. Nakakatanggal ng stress at pagod from work. Goodluck sa #JuanHappyLoveStory!”

Tutukan ang mga susunod pang nakakabaliw at nakaka-in love na eksena sa Juan Happy Love Story sa GMA Telebabad lang. Kasama rin dito sina Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Versoza, Kim Domingo, Ericka Padilla at marami pang iba.

Read more...