Jasmine makakasama sa pelikula ng AlDub, pero…

jasmine curtis at aldub

TRUE kaya ang chika na makakasama si Jasmine Curtis sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na “Imagine You And Me”.

Pero ayon sa chika, hindi raw magiging third wheel si Jasmine sa AlDub loveteam kaya wala raw dapat ipag-alala o ikagalit ang mga tagasuporta nina Maine at Alden.

Wala pang ginagawang kumpirmasyon o announcement ang mga producer ng “Imagine You And Me” (APT Entertainment at GMA Films tungkol dito. Maging ang direktor nitong si Mike Tuviera ay hindi pa nagdedetalye tungkol sa iba pang mga artista na makakasama ng AlDub sa movie.

Pero kung kami ang tatanungin, kailangang pag-isipan mabuti ni Jasmine ang proyektong ito dahil kilala mo naman ang AlDub fans, sensitive ang mga iyan kaya hindi imposibleng ma-bash din siya nang todo kapag naging third party ang role niya sa movie.

Nasa Italy pa rin ngayon sina Alden at Maine para sa shooting ng kanilang pelikula at balitang sa katapusan pa ng buwan sila babalik sa Pilipinas.

Read more...