Karla nahawa na kay Robin, asar-talo sa mga bashers

karla estrada at robin padilla

BEAST mode ang tawag ngayon ng marami sa bagong banta ni Karla Estrada na idedemanda at hahabulin niya ang mga bashers ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Nagkahawahan na raw yata sina Karla at Robin Padilla na ganu’n din ang banta, kakasuhan ng action star ang mga taong naninira sa kanya, ito kaya ang nagturo kay Karla na ganu’n din ang gawin para tumigil na ang mga bashers ng kanyang binata? Totoo ang kanilang sinasabi na may mga taong nakakaramdam ng kasiyahan sa pamba-bash sa mga personalidad.

Bukod kasi sa walang magawa ang mga taong ‘yun ay pinapasok din siguro ng inggit ang kanilang utak.
Kahit ano na lang ay ginagawang malaking isyu, konting kibot lang ay naka-bash na, totoong maraming personalidad ang inuupakan nang walang kalaban-laban sa social media. Pero dapat intindihin nina Robin at Karla na puwede namang sagutin na lang nila ang mga isyung ikinukulapol sa kanila ngayon nang hindi na sila nagbabanta pa ng demanda.

Nakakainis kasi ang ganu’n, lalo na’t pampublikong pigura pa naman sila na dapat ay handa sa mga pagpansin ng marami, lalo na sa social media. Lalo lang nilang binubulabog ang kuta ng langgam, sabi nga, sa sinasabi nilang hahabulin-idedemanda ang mga bashers ni Daniel.

Read more...