“AY, maarte siya! Hindi lang obvious ‘yun dahil mahusay siyang magdala! May kaangasan din siya, kaya lang, idinadaan niya ‘yun sa puro biro lang!” ‘yun ang unang reaksiyon ng isang source nang pagpistahan sa isang umpukan ang mga female personalities na may kakaibang ugali.
Ang tinutukoy ng source ay ang magandang aktres na maganda rin ang takbo ng career ngayon.
Marami siyang programa at importante siyang artista ng kanyang network.
Matagal nang ikinakapit ng marami ang kaartehan tungkol sa aktres. Marami kasi siyang reklamo sa trabaho, palagi siyang may angal, kaya ang payo sa kanya ng marami ay magpahinga na kasi sa pag-arte dahil masyado na siyang maarte.
Kuwento ng isang source, “Pansinin n’yo ang mga posts niya, palagi siyang nagrereklamo dahil sobrang pagod na raw siya sa kawo-work.
Pagkatapos mo ngang basahin ang mga kuwento niya, e, parang pagod na pagod ka na rin! “Nakakahawa ang kapaguran niya kahit binabasa mo lang ‘yun. Paano naman kasi, e, ikinukuwento niya kung paano siyang napuyat at napagod, kung paanong pabaklasbaklas ang taping niya!” simulang reaksiyon ng impormante.
Dahil sa kanyang kaartehan ay marami tuloy nawawalan ng ganang makatrabaho siya, ang dami-dami niya kasing hinahanap, maldita rin siya pero hindi obyus. “Palaangal ang babaeng ‘yun! Tapos, magsasalita pa siya, magmamaangas, tapos, ang sasabihin niya, joke! Palagi siyang ganu’n, ang ending ng pagmamaangas niya, joke!
“Paano kaya tumatagal sa ugali niya ang boyfriend niya ngayon? Di ba, ‘yun ang hindi kinaya ng ex niya? Maarte kasi siya, maraming angal, marami siyang buntong hinhinga! “Bradly Guevarra, hindi mo siya kakayanin, lalong hindi mo siya gugustuhing karelasyon!” pagbibigay pa ng clue ng aming source.