Celebrity Couple nagsinungaling para makapag-date sa ibang bansa

BLIND ITEM MF 0409SPEAKING of love affair, may natisod kaming tsismis na diumano ay pasimpleng lumipad palabas ng bansa ang sikat na magkasintahan para magkaroon ng time sa isa’t isa.

Balita kasing hirap na hirap mag-adjust sa kani-kanilang mga oras ang dalawa kapag nandito sa bansa lalo pa’t iba umano ang patakaran na gustong ipatupad ng parents ng sikat na babae para sa kasintahan nitong sikat din namang celebrity.

Kaya raw nang parehong magkaroon free time ay agad na nagpa-book ang dalawa kasama ang ilang pinagkakatiwalaan nilang mga kaibigan out of showbiz at nag-bonding nga sa isang bansa na hindi naman kalayuang sa Pilipinas.

Halos three nights ding nagkasama ang magdyowa, at talaga raw ninamnam ng mga ito ang bawat minuto na magkasama sila.

Ang nakakaloka sa tsismis na ito kapatid na Ervin ay ang paalam ng sikat na babae sa parents niya na nandito lang sila sa bansa at ka-join ang mga kaanak at top notch handlers gn kanyang network na obviously ay kinuntsaba pala nila para makalabas sila ng bansa. Ibig sabihin, tumakas lang ang dalawa para makapag-moment abroad.

Hmmmm, card games lang ang bonggang clue na maili-link natin sa identities ng mga bida sa ating blind item today. Ha-hahaha!

Read more...