BILIB kami sa professionalism nina Kim Chiu at Maja Salvador.
The two were featured in a production number sa ASAP noong Sunday and it was very evident na they’re doing it for the sake of their show sa ABS-CBN, ang Ina Kapatid Anak.
Hindi nagpansinan ang dalawa kahit na merong portion sa sayaw doon na nagkasalubong sila.
Obvious na iniiwasan ni Kim na tingnan nang mata-sa-mata si Maja.
We also learned that Kim and Maja were also given separate tents sa taping nila ng kanilang soap.
Alam naman kasi ng production na merong animosity between them.
Mas mabuti na nga naman ang ganu’n dahil baka hindi makapagpigil si Kim, e, mapagsalitaan niya nang hindi maganda ang kanyang dating best friend.