Kailan magkaka-girlfriend | Bandera

Kailan magkaka-girlfriend

Joseph Greenfield - May 17, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Rudolf ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit guwapo naman daw ako sabi ng nanay ko pero hanggang ngayon sa edad kong mag to-29 na sa December 7, ay hanggang ngayon wala pa rin akong nagiging girlfriend. At ni minsan sa buong buhay ko hindi man lang ako nakaranas na makipag-date sa isang babae. Marami naman akong niligawan pero ewan ko ba parang hindi yata ako nagugustuhan talaga ng mga babae. Ask ko lang Sir kung sa summer na ito magkaka-girlfriend na kaya ako? Minsan tuloy parang nawawalana ako ng pag-asawa at iniisip kong baka hindi na ako magka-girlfriend pa at hindi na rin makapag-asawa. December 7, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Rudolf ng
Zamboang City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Masyado kasing malayo ang pagkakaguhit ng malinaw naman, makapal at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad.
Tanda na ayos lang at tama lang talaga sa kapalaran mo ang nangyayari sa iyong love life sa kaslukuyn, kung saan sa edad mong 29 pataas, sa panahong nabanggit, magkaka-girlfiend ka na rin sa wakas.
Cartomancy:
Nine of Hearts, King of Clubs at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabing isang babaing halos kasing edad mo rin ang magiging girlfriend mo, at ito ay mangyayari sa huling quarter ng taong 2016 o kaya’y sa unang quarter ng taong 2017, sa edad mong 29 pataas.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending