INIHAYAG ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakatakda niyang ibalik ang bitay sa bansa sa pamamagitan ng pagbigti sa mga masisintensiyahan ng kamatayan.
“I would lead Congress to restore death penalty,” sabi ni Duterte sa isang press conference sa Davao City.
Sinabi ni Duterte na dapat na ipataw ang parusang bigti sa mga sangkot sa mga heinous crimes.
“Heinous crimes commited with unlicensed firearms must be (penalized with) death. Rape plus death of victim must be death penalty. Kidnapping with ransom, then you killed (the victim), must be death penalty,” sabi ni Duterte.
Nauna nang ipinatupad ang bitay sa pamamagitan ng lethal injection, bagamat ito ay inalis matapos naman ang matinding pagtutol ng Simbahan Katoliko.
“Robbery with homicide with rape, double the hanging. After the first, there will be another ceremony for the second,” dagdag ni Duterte.
Sinabi pa ni Duterte na nais niyang makita na nakatanggal ang ulo ng mga kriminal sa kanilang katawan.
“Those who destroy the lives of our children we will destroy. Those who would kill my country will be killed. Simple as that. No middle ground,” dagdag ni Duterte.
Sinasabing ang posisyon ni Duterte kontra kriminalidad ang pangunahing rason kayat nanalo siya ng landslide sa nakaraang eleksiyon noong Mayo 9.
Nangako si Duterte na tatapusin ang kriminalidad sa bansa sa loob ng anim na buwan pagkatapos makaupo bilang pangulo.
Aniya, handa siyang umalis sa puwesto sakaling hindi matupad ang pangako.
“I am ready to lose the presidency. I will stake my honor and my life,” sabi pa ni Duterte.
Inalis ang parusang kamatayan noong 2006 sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.