Street vendor wagi ng P6M jackpot

lotto for site
Isang babaeng street vendor sa Paranaque City ang nanalo ng P6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay 32-anyos, walang asawa at nabubuhay sa pamamagitan ng pagtitinda.
Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 4-8-14-21-23-38 sa bola noong Mayo 7.
Sinabi ng babae na kukuha siya ng puwesto sa loob ng palengke upang hindi na magpalipat-lipat ng puwesto sa gilid ng kalsada.
Tutulungan din niya ang kanyang mga kapatid na walang trabaho at bibili ng sariling bahay at lupa.

Read more...