Duterte ipapaaresto ang mga magulang ng mga batang nasa kalsada pagsapit ng 10pm

school-0915-660x371
NANGAKO si Davao City Rodrigo Duterte na ipapaaresto ang mga magulang ng mga batang makikitang pagala-gala sa mga kalye pagkatapos ng alas-10 ng gabi.
Idinagdag ni Duterte na ipapatupad niya ang curfew simula alas-10 ng gabi sa buong bansa para sa mga menor-de-edad na walang kasamang mga matanda.
“My order is not to arrest the child,” sabi ni Duterte.
Aniya, ilalagay lamang ang mga bata sa ilalim ng kustodiya ng mga kaukulang ahensiya, samantalang huhulihin naman ng mga pulis ang kanilang mga magulang.
Noong isang taon, dalawang nanay sa Davao City ang inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act 7610, o ang batas laban sa child abuse.
Binatikos naman ng Gabriela ang naging aksiyon ni Duterte sa pagsasabing kailangang magtrabaho ng mga nanay para mapakain ang kanilang mga anak.
Naglayas ang isa sa mga bata sa kanilang bahay.
Nanay ang dalawang babae ng mga batang natagpuan ni Duterte na natutulog sa kalye.
Iginiit naman ng isa sa mga nanay na iniwan niya ang kanyang mga anak sa bahay para siya makapagtrabaho bilang katulong.
Sinabi naman ng isa pang nanay na hinanap nila ng kanyang asawa ang bata na lumayas sa kanilang bahay.
“It’s true there are many women who do not have enough capacity to provide for humane and decent life for their children but it’s not the fault of mothers why they are poor,” sabi ni Mary Ann Sapar, secretary-general of Gabriela Davao.
“Most women are not given enough chance to get a decent job with enough pay that would provide for their family, most women don’t even have access to government social services. It’s unfair for mothers who have been desperately trying hard to provide for their children to get all the blame, be immediately dismissed as bad mothers, just because they are poor,” ayon pa kay Sapar.

Read more...