Mariel balik-Showtime kahit buntis na, pero ingat na ingat sa baby

 

BUMALIK din agad si Robin Padilla sa kanyang manager na si Betchay Vidanes (Vidanes Talent Management Agency) matapos silang makapag-usap nang masinsinan.

Mismong si Binoe ang nagsabi na kumalas na siya sa kanyang manager dahil sa ilang personal na kadahilanan, ang kumalat na balita, may kinalaman daw ito sa politika. Kilalang supporter ni Rodrigo Duterte si Robin.

But all’s well that ends well na nga uli ngunit walang nakuhang anuman ang madlang pipol sa kung ano talaga ang naging gusot sa pagitan ng dalawa na matagal na ring magkasama bilang ta-lent at manager.

Masaya na rin kami sa balitang ito dahil kapwa namin kaibigan sina Binoe at Bechay at nasaksihan din namin ang maganda nilang relasyon bilang manager at talent.

Baka lang talaga nu’ng mga sandaling napag-usapan ang isang bahagi ng buhay ni Robin na napagbayaran na naman niya ay sadyang maraming “nega” na mga emosyon ang kumawala kaya naging ganu’n katindi ang epekto.

At sa inihain namang demanda ni Robin laban sa isang netizen na nagkomento ng hindi maganda sa ipinost niyang sample ballot sa kanyang social media account, hayaan na lang natin ang korte ang humusga.

q q q

Balik It’s Showtime na rin si Mariel Rodriguez matapos mabalitang buntis na uli siya.

Naka-flat shoes lang ito nang muling umapir sa nasabing noontime at hindi na sumasabay sa mga pabulosang outfit ng mga co-hosts niya. Isang bagay na nagpapatunay kung gaano siyang kaingat at kadeterminadong magkaroon ng anak.

Pero makulit at mabilis pa rin ang mga punchlines nito na na-miss din ng ilang araw ng viewers lalo na yung pakikipag-huntahan nito kina Vice Ganda at Anne Curtis.

Wish naming maging isang magaling na singer ang magiging anak nila ni Robin dahil sa araw-araw ba namang pakikinig ng buntis sa mga mahuhusay na kalahok sa Tawag ng Tanghalan, eh hindi kataka-takang maaliw at makibirit ang baby sa kanyang tiyan. Ha-hahaha!

 

Read more...