Coleen di nakarating sa b-day surprise ng Showtime para kay Billy

billy crawford

BUMAWI si Coleen Garcia sa kanyang boyfriend na si Billy Crawford na nag-celebrate ng kanyang 34th birthday sa It’s Showtime.

Hindi na kasi nakarating sa noontime show ng Dos ang aktres para sa inihanda niyang production number bilang birthdau gift niya kay Billy. Sa Instagram na lang idinaan ni Coleen ang kanyang pagbati sa boyfriend.

Nag-post ng picture nila ni Billy si Coleen sa IG na may caption na: “Happy birthday prod, [Billy]. Came from the BDO Sports fest, and now on my way to recording. But glad I got to pass by for a bit to say hi to this guy.

“I wish I could have watched you perform live today! I know you did amazing, as always!” dagdag pa ni Coleen.

Read more...