Karla kakasuhan ang mga bashers ng Kathniel: Sa mga ayaw tumigil hintayin na lang nila!

karla estrada

NAUUBOS na rin ang pasensiya ni Karla Estrada sa mga bashers na patuloy na nagpo-post ng mga mali-lisyosong mensahe laban sa kanya at sa anak na si Daniel Padilla pati na rin kay Kathryn Bernardo na may konek pa rin sa nakaraang eleksiyon.

Kung matatandaan, na-bash nang todo sina Kathryn at Daniel matapos kumalat ang photo nila sa social media hawak ang kanilang mga balota noong mismong araw ng eleksiyon.
Marami ang nagsabi na bawal daw ang ginawa ng dalawang bagets dahil malinaw na paglabag daw yun sa election rules.

Pero ayon sa isang commissioner ng Comelec wala naman daw nilabag na Comelec rule sina DJ at Kath dahil hindi pa naman shaded ang balotang hawak nila at hindi rin sila ang nag-post ng mga nasabing litrato sa social media.

Ayon kay Karla, nagpaplano na silang gumawa ng legal na hakbang laban sa mga netizens na ayaw tumigil sa pambabastos at panlalait kina DJ at Kath.

“’Yung eleksiyon tapos na eh. Hindi na dapat na pinag-uusapan pa kasi tapos na ‘yung campaign, tapos na ‘yung eleksiyon so dapat tapos na.

“Anyway, doon sa mga patuloy na namba-bash, meron na kaming nire-ready na aks-yon para doon, ‘yung mga ayaw tumigil at saka mga below the belt so hintayin na lang nila,” pagbabanta ni Karla sa panayam ng ABS-CBN.

Read more...