Sulat mula kay Joseph King ng Gamao Subdivision, Luniab, Iligan City
Problema:
1. Dati po akong nagse-seaman kaya lang nang makaipon ako ng konting pera ay naisipan kong magnegosyo. Maraming negosyo ang si-nubok ko pero nagkalulugi at naubos ang ipon ko at nabaon pa ako sa mga pagkakautang. Sabi nga ng misis ko ay mag-seaman na lang akong muli para makaahon kami sa mga pagkakautang. Kaya sa ngayon ay nag-aaplay uli ako sa dati kong agency.
2. Itatanong ko lang kung makapag-aabroad kaya uli ako, at kung muli akong makapagbabarko kailan naman kaya ito mangyayari? July 28, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Joseph King Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t lagi mo lang pairalin ang lakas ng loob at tapang, kahit na 34 na ang i-yong edad, siguradong sa buwan ng Setyembre sa taong kasalukuyan may magandang kapalarang kusang darating sa iyo na may kaugnayan sa pangingibang bansa.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing kahit na minalas ka sa negosyo, wag mo nang intindihin iyon, dahil sa muling pag-aabroad, mas marami pang suwerte at magagandang kapalarang may kaugnayan sa materyal na bagay ang tuloy-tuloy ng mapapasa iyo.
Luscher Color Test:
Upang lalo ka pang su-wertehin at ng magtuloy-tuloy na ang dating ng magagandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na dilaw tuwing sasapit ang petsang 1, 10, 19, 28, 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 8, 17 at 26, habang ang kulay naman pula naman ang dapat isuot at gamitin tuwing sasapit ang petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, at 24. Sa ganyang pagsusuot ng tama ng kulay sa saktong panahon at petsa, mas marami pang suwerte ang kusang darating sa iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Joseph King ayon sa iyong kapalaran tama ang pagsunod sa iyong misis na sa halip na magnegosyo ng magnegosyo na laging lugi naman, mas mainam pang mag-abroad ka na lang muli at paulit-ulit na mag-abroad. Sa walang tigil na pagse-seaman na muling magaganap sa taong kasalukuyan, sa edad mong 34 pataas, tiyak ang magaganap, uunlad ang inyong pamilya, makakabayad na kayo sa mga pagkakautang hanggang sa tuloy-tuloy na kayong yumaman.
Makakasampa bang muli sa barko? (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...