P15.7M jackpot pinaghatian ng taga-QC, Cavite

lotto for site
Isang mananaya sa Quezon City at Cavite ang maghahati sa P15.7 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola noong Biyernes ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang mga nanalo ay tumaya sa Cubao, Quezon City at Dasmarinas, Cavite.
Sila ang dalawang nakakuha sa mga numerong 25-5-19-10-29-03 na lumabas sa bola noong Friday the 13th.
Nanalo naman ng tig-P8,150 ang 93 mananaya na nakalimang numero. Tig-P230 naman ang napanalunan ng 2,566 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 30,843 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...