NANALO si Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang buwang overseas absentee voting (OAV), ayon sa datos na inilabas ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.
Nauna nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na magiging importante ang resulta ng OAV sa mahigpit na labanan sa pagitan nina Marcos at Camarines Rep. Leni Robredo sa pagka-bise presidente.
Base sa datos na ipinost ni Guanzon sa kanyang Twitter account, nakakuha si Duterte ng 313,346 boto.
Nakakuha naman si Marcos ng 176, 669 samantalang nakakuha si Robredo ng 89,935 boto, o mas malaki si Marcos ng 86,734.
Hindi naman malinaw kung isinama na ito sa pinakahuling bilang ng Comelec Transparency Server kung saan lamang pa rin si Robredo na may botong 14,020,498, samantalang nakakuha si Marcos ng 13,802,459, o lamang ng 218,039 boto.