KathNiel gugulatin ang madlang pipol sa bagong movie

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

EXCITED na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pagsisimula ng shooting nila para sa kanilang latest movie under Star Cinema na kukunan pa sa Barcelona, Spain.

Nakatakdang magtungo roon ang KathNiel sa darating na June para kunan ang mahahalaga nilang eksena for the movie.

“Pasok ito sa edad namin. Hindi pilit na masyadong matanda or masyadong bata. Pasok na pasok kaya nga sabi ko okay ito. Mature talaga pero hindi naman masyadong matanda. Pasok na pasok sa edad namin na puwede ng gawin ng normal na bata kagaya namin,” ani DJ sa panayam ng ABS-CBN.

Paniniguro ni Kathryn, ibang-iba naman ito sa mga nagawa nilang movies ni Daniel in the past na tatalakay sa buhay ng mga OFWs but with a big twist, “Yung story, kung anong ma-o-offer kasi technically ngayon na may mga nalaman kami, binigyan kami ng initial script and after reading it parang mae-excite ka kasi gumawa ng isang project kung maganda yung project and yung mga makakasama mo.

“At yung quality na mapapanood ng mga tao. Siyempre nandiyan yung kilig, yung love story. Aside from that marami pang twists and turns sa kuwento at sigurado akong marami ring makaka-relate na kabataan sa magiging roles namin dito ni DJ, kaya abangan na lang nila,” dagdag ng dalaga.

Read more...