DESIDIDO si Nadia Montenegro na makilala at maparusahan ang taong nasa likod ng pekeng Twitter account na nakapangalan sa kanya na walang ginawa kundi manira at mambastos ng mga kilalang celebrities.
Gamit ang Twitter handle na @nadzmontenegro, kung anu-anong malilisyosong posts daw ang ikinakalat nito sa social media at nagpapakilalang siya si Nadia. Nitong huli, puro pamba-bash ang ginawa ng followers ni Nadia dahil pati si Rodrigo Duterte ay kinalaban ng kanyang poser.
Galit na galit na sabi ni Nadia sa panayam ng TV Patrol, “Hindi ako pinalaki ng ganito at hindi ako nagsasalita ng gayang lingo, hindi ako ganung klaseng tao.”
Kuwento pa ng aktres, “I’ve been trying to report the account since four years ago and then last year, kasi ang dami niyang binabash na artista and then some artistas would call me. Where do I go? Do I go to Twitter, do I go to NBI? Where do I go for this to stop?”
Hirit pa niya, “I can’t wait to know who this person is actually. Galit na galit ako sa kanya kasi why?
“How can somebody wake up and just ruin somebody’s life? It’s just so evil. Baka may sumaksak na lang sa akin sa galit di ba, not knowing na it wasn’t really me,” gigil na gigil pang sey ng nanay ni Yna Asistio.