MAGANDANG araw po sa lahat ng bumubuo ng Aksyon Line.
Mam, magpapatulong sana ako sa inyo sa SSS ko. Ang address ko ay dito sa Davao ay 115.7 Boston St. Davao City Barangay I.A.
Ang nangyari po ay na close account ko ang aking ATM. Nang magpunta ako sa SSS, ang payo nila ay kumuha ako ng (pensioner’s data change request) at December 3, 2015 nila ito na-receive. Pero, hanggang ngayon ay hindi di ko pa po natanggap ang aking December bonus na P2,400 para sa taong 2015. At nang sabi sa akin ng taga Bank of Commerce ay December 21, 2015 pa nila naibalik ang aking pera sa SSS.
Kalakip po ng sulat na ito ang mga papers na galing sa SSS at Bank of Commerce.
Marami pong salamat:
Lubos na gumagalang,
Isidro P. Gespigasi
REPLY: Ito ay tungkol sa katanungan ni G. Isidro Gepiga Jr. ukol sa kanyang 13th month pension noong Disyembre 2015.
Ayon sa aming Pensions Administration Department, nakapag-isyu na ang SSS ng tseke para sa 13th month pension ni G. Gepiga na may check no. 0052112559 na nagkakahalaga ng P2,400.
Ipinadala na ng SSS ang nasabing tseke sa tirahan ni G. Gepiga sa pamamagitan ng koreo noong Marso 11.
Iminumungkahi namin kay G. Gepiga na makipag-ugnayan sa Davao Post Office kung hanggang ngayon ay hindi pa niya natatanggap ang kanyang tseke.
Ang kanyang tseke ay naipadala ng Quezon City Post Office sa Davao Post Office noong Marso 16 na may registry no. 001386.
Sana ay nasagot namin ang inyong katanungan.
Salamat po.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.