Saan susuwertehin sa negosyo ba o sa abroad? (2)

Sulat mula kay Carl Roger ng Castellano, Calatraba, Negros Occidental
Problema:

1. May trabaho po ako pero maliit lang ang suweldo ko. Kaya nga kahit na may girlfriend na ako at gusto na naming magpamilya ay hindi pa kami makapagpakasal kasi wala pa akong ibubuhay sa kanya. Nais ko pong mag-resign sa aking trabaho at mangutang na lang sa kapatid ko na nasa abroad para gamiting puhunan sa binabalak kong negosyo.
2. Sabi naman ng kapatid ko na imbes na magnegosyo daw ako ay tutulungan niya na lang akong makapag-abroad. Saan ba ako higit na susuwertehin, sa pag-aabroad o sa pagnenegosyo? April 28, 1988 ang birthday ko.

Umaasa,
Carl Roger ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sisimulan mo nang mag-aplay sa abroad sa panahong ito ay, walang duda, papabor sa iyo ang kapalaran.Pagsapit ng buwan ng Setyembre ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Numerology:
Ang birth date mong 28 ang nagsasabing sa sandaling nakapag-abroad ka na nang isang beses ay tuloy-tuloy, lagi at paulit-ulit ka nang makapag-aabroad. Makakaipon ka ng maraming-maraming pera. At kapag maraming-marami ka nang ipon saka kayo magpakasal ng girlfriend mo. Kapag kasal na kayo saka kayo magnegosyo— higit lalo kung ang girlfriend mo ay isinilang sa petsang 5, 14, at 23. Susuwertehin kayong dalawa sa kahit anong uri ng negosyo.
Luscher Color Test:
Upang lalo pang datnan ng magandang kapalaran ang iyong karanasan saan dako ka man ng mundo naroroon, lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na dilaw at pula. Ang nasabing kulay ang magdadala sa iyo ng mas marami pang suwerte at mga pagpapala sa buhay.
Huling payo at paalala:
Carl Roger, kung nalilito ka kung ano ang dapat mong gawin upang umasenso, simple lang ang pinapagawa sa iyo ng kapalaran. Imbes na magnegosyo, mas mabuting mag-aplay ka sa abroad. Sa ganyang paraan, mabilis ang magaganap kung mag-aaplay ka na ngayon. Sa taon Setyembre, sa edad mong 28 pataas, tulad ng nasabi na, may isang mabunga at mabiyayang panginibang- bansang itatala sa iyong kapalaran. Tuloy-tuloy na ang iyong pag-unlad at pag-asenso ng kabuhayan at pagkatapos ay maluwalhati na kayong magpakasal ng girlfriend mo.

Read more...